ALAM MO BA? Naglabas ng bagong guidelines ang Philippine Clearing House Corporation (PCHC) sa pagsusulat ng tseke.
Ginawa ang mga pagbabago at standardized ang format para sa mas mabilis at maayos na pagproseso ng tseke. Kapag pare-pareho at malinaw ang format, mas mabilis ma-verify at ma-clear ang tseke.
Sinimulan itong ipatupad noong 01 Hulyo 2025.
Narito ang mga mahahalagang pagbabago:
Tamang date format
• MM-DD-YYYY
• M-DD-YYYY
• MM-D-YYYY
Tamang pagsulat ng amount in figures:
• Walang mga dagdag na simbolo tulad ng ₱, *, -, at _
• Gumamit ng comma (,) para paghiwalayin ang libo, milyon, atbp.
• Gumamit ng period (.) bago mag sentimo.
Basahin ang buong Memorandum Circular sa PCHC website: https://bit.ly/44N2SIp
Source: PCHC
